Friday, May 20, 2011

Ano ang Mutual Fund?

Ang Mutual Fund ay koleksyon ng pera ng mga tao(investor) na iniinvest ng fund manager sa iba't-ibang klase ng securities para lumago. Depende sa klase ng mutual fund, ito ay kalimitang iniinvest sa stocks, bonds, money market at iba pang klase ng securities(invesment instruments).

Ang kabuuang fund ay hinati sa maliliit na bahagi na tinatawag na "share". Bawa't isang share ay may katumbas na halaga ayun na rin sa pagkakahati. Ito ay ang Net Asset Per Share o NAVPS. Halimbawa, may isang fund na may kabuuang halaga ng asset na P100,000 at hinati sa 10,000 share. Bawat isang share ay may NAVPS na:
     P100,000/10,000 shares = P10 per share o P10 kada share.


Ang kabuuang halaga ng fund ay nagbabago kada araw depende na rin sa resulta ng investment ng fund manager at hindi ito katulad ng savings account o time deposit na kung saan ay may fixed na interest. Ibig sabihin nito ay may araw na maaring ang investment na inilagay mo sa mutual fund ay mataas at meron ding araw na mababa. Ito ang risk na napapaloob sa Mutual Fund. Sa kabilang banda naman, malaki rin ang potential ng lumago ang iyong pera ng 200% o higit pa makalipas ang ilang taon kaya naman ito ay magandang investment na pangmatagalan.

Mga benepisyo o advantage ng investment sa mutual fund:
1. Maaari kang mag-invest sa mababang halaga
Sa halagang P5,000 ay maari ka ng makapag-umpisang mag-invest sa mutual fund. Kung gusto mo naman magdagdag ay maari ito sa halagang P1,000 lamang.

2. Diversification
Sa mababang halaga maari kang makapag-invest sa iba't-ibang securities at stocks ng malalaking kumpanya. Dahil na rin ang maliit na pera ay maaring hatiin sa maramin stocks o securities, ang risk ay magiging mas mababa rin kung sakaling ang isa sa kumpanya na ito ay malugi bagay na mahirap gawin kung direkta kang bibili ng stocks maliban na lang kung marami kang pera.

3. Mataas na growth rate o mabilis na paglago ng pera
Depende sa klase ng mutual fund, ang potential growth rate sa mutual fund ay higit na mataas kaysa sa savings account at time deposit bagama't ito ay hindi naka-fixed. Sa katunayan, ang pera mo ay maaring kumita ng ilang doble o mahigit pa sa 200% sa paglipas ng panahon.

3. Ang pera mo ay ima-manage ng isang professional fund manager
Kung ikaw mismo ang mag-iinvest sa stocks or bond, kailangang aralin mo ang bawat isang kumpanya para mapili kung alin ang dapat mong bilhin. Ito ay matrabahong proseso at maaring hindi sapat ang iyong kaalaman para makapili ng tama. Samantalang sa mutual fund, ang pera mo ay ima-manage ng isang professional fund manager at sya mismo ang magreresearch at pipili kung saan dapat mag-invest. Ang mga fund manager na ito ay may sapat na kaalaman at madaling makakuha ng impormasyon na kinakailangan upang ma-evaluate ang isang investment.

Mga disadvantage o risk ng pag-invest sa mutual fund:
1. Ang halaga ng investment mo ay hindi naka-fixed.
Tulad ng nabanggit ko, hindi ito katulad ng savings account na may fixed interest rate. Ang paglago o growth rate ay hindi tiyak.

2. Maaring bumaba ang halaga ng investment mo
Tulad ng lahat ng investment may pagkakataon na ang halaga ay bumaba depende na rin sa resulta ng investment ng fund.

3. Ang pera mo ay maaring malugi
Kapag nalugi lahat ng investment ng fund ay sya ring resulta ng pera mo. Ganon din ang resulta kung ibebenta mo rin ang share mo sa panahong mababa ang halaga nito. Kaya importante na bago ka mag-invest sa mutual fund, dapat ang pera ay hindi mo kailangan sa lalong madaling panahon.

Ang mutual fund ay isang mabuting investment dahil na rin sa potensyal nito na lumago ng mabilis bagama't may risk din ito na malugi. Dapat rin tandaan na ang mutual fund ay investment na pangmatagalan o long term investment. 

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. Meron po ba kayong alam na mutual fund na pwd akong mag invest with 5000?

    ReplyDelete