Friday, May 20, 2011

Ano ang Mutual Fund?

Ang Mutual Fund ay koleksyon ng pera ng mga tao(investor) na iniinvest ng fund manager sa iba't-ibang klase ng securities para lumago. Depende sa klase ng mutual fund, ito ay kalimitang iniinvest sa stocks, bonds, money market at iba pang klase ng securities(invesment instruments).

Ang kabuuang fund ay hinati sa maliliit na bahagi na tinatawag na "share". Bawa't isang share ay may katumbas na halaga ayun na rin sa pagkakahati. Ito ay ang Net Asset Per Share o NAVPS. Halimbawa, may isang fund na may kabuuang halaga ng asset na P100,000 at hinati sa 10,000 share. Bawat isang share ay may NAVPS na:
     P100,000/10,000 shares = P10 per share o P10 kada share.


Thursday, April 14, 2011

Chapter 7: uTANG MO, Bayaran Mo!



Ang taong hindi nagbayad ng utang ay magnanakaw kahit gaano pa kaliit ito. Sapagkat ang perang inutang mo ay pag-aari ng ibang tao.  Nakakalungkot man isipin, marami sa atin ang baon sa utang at wala namang plano kung paano makabayad. Ang mga taong ito ay hindi kailanman magiging mayaman.

Thursday, March 24, 2011

Chapter 6: Mag-impok sa Bangko

Noong bata pa ako ay tinuruan ako ng lola ko na mag-ipon sa pamamagitan ng alkansyang gawa sa bote ng Green Cross rubbing alcohol. Bagama't epektibong paraan na ito sa pag-iipon sa umpisa bilang training, mas ligtas at mabuting paraan pa rin na mag-impok sa bangko....narito ang mga bagay na dapat mong malaman sa pag-iimpok sa bangko:
Tipid Tip: Sa halip na bumili ng alkansya ay maaring gamitin ang mga basyong plastic container bilang alkansya. Gamit ang kutsilyo, hiwain ang bote ng pahaba para ito ang pagsusuksukan ng barya.

Saturday, December 25, 2010

Chapter 5: 100 Piso Mo Paramihin Mo

Tulad ng nabanggit ko sa Chapter 2, hindi excuse na maliit ang sweldo mo para makapag-ipon. Kahit na sa mababang halaga ay maaari kang makapag-ipon. Kapag nakaipon ka na ang susunod na dapat mong gawin ay mag-INVEST upang mapalago ang pera mong naipon.

Sa ngayon ay ipapakita ko ang 2 klase ng investment na kayang-kaya ng Masang Filipino. Ito ang Savings Account sa Bangko. Ang ikalawa ay ang lingid sa kaalaman ng karamihan ang Mutual Fund. Narito ang mga hakbang.

Chapter 4: Ang Aritmetik ng Pera

Bago kayo nerbiyosin, hindi po ako magle-lecture ng Algebra o Trigonometry na kung saan ay dinugo kayo habang inaaral nyo noong highschool kayo. Simple lang ang aritmetik ng paglago ng pera at hindi kailangang maging genius kayo para matutunan ito. Kung alam nyo na ito ay basahin nyo pa rin bilang review at baka kinakalawang na kayo.

Friday, December 24, 2010

Chapter 3: Magkano Ka?

Para malaman mo kung magkano ang yaman mo, magagawa mo ito kung iko-compute mo ang iyong “Net Worth”. Ang “Net Worth” ay ang sagot sa tanong naMagkano Ka?”...Tama, kung ipagbibili mo ang sarili mo ito ay ang iyong presyo base sa dami ng pera at yaman mo. Hindi kasama rito ang mga intangible asset mo tulad ng talento sa pagkanta, dangal and etc.....ito ay yung mga bagay na pwede mo i-convert sa pera (although pwede ring pagkakitaan ang mga nabanggit).

Wednesday, December 22, 2010

Chapter 2: Paano ba ang Mag-ipon?

Piggy Bank Savings Female Isolated Royalty Free Stock Photo
Bago ang lahat, gusto kong malaman nyo na pwede at posible na makaipon kahit pa mababa ang iyong sweldo. Marami akong kakilala na minimum wage lang ang sahod pero nagagawang makapag-ipon kahit pa may asawa at anak. Marami din akong kakilala na kumikita ng mahigit pa sa Php30,000 pero hindi makaipon at baon sa utang kahit pa sya ay single.  Kung ganoon, paano ba ang mag-ipon?

Pag-aralan muna natin ang galaw o “equation” ng pera.

Kita – Gastos  = Savings(o Ipon)