Saturday, December 25, 2010

Chapter 5: 100 Piso Mo Paramihin Mo

Tulad ng nabanggit ko sa Chapter 2, hindi excuse na maliit ang sweldo mo para makapag-ipon. Kahit na sa mababang halaga ay maaari kang makapag-ipon. Kapag nakaipon ka na ang susunod na dapat mong gawin ay mag-INVEST upang mapalago ang pera mong naipon.

Sa ngayon ay ipapakita ko ang 2 klase ng investment na kayang-kaya ng Masang Filipino. Ito ang Savings Account sa Bangko. Ang ikalawa ay ang lingid sa kaalaman ng karamihan ang Mutual Fund. Narito ang mga hakbang.

1. Maglaan ng halaga na itatago mo kada buwan. Halimbawa, 100piso kada buwan. Mas malaki mas mainam.
2. Kapag ang perang naipon mo ay umabot na sa 500piso, maari ka ng magbukas ng Savings Account. Sa ngayon ay isang bangko lang ang may ganitong Savings Account Program, ito ay ang BPI Family at BPI Direct. Tatalakayin ko ang tungkol sa Bangko sa susunod na Chapter.
3. Kapag ang perang naipon ay mahigit sa P5,000, maari ka nang magbukas ng Mutual Fund. Ang Mutual Fund na maari kang magbukas ng account sa ganitong halaga ay ang sa FAMI o First Metro Asset Management Inc. ng Metrobank group. Marami pang ibang mutual fund subalit pinili ko ito dahil ito ay nasa pamamahala ng isang malaking bangko. Tatalakayin ko ang detalye ng Mutual Fund sa iba pang Chapter.
4. Lahat ng perang naipon mo, sa halagang P1000 piso ay pwede mong ipasok sa Mutual fund mo sa FAMI.
5. Dapat tandaan na dapat ito ay tulu-tuloy at wag gagalawin o gastusin para lumago.

Narito ang posibleng resulta ng 100 piso investment plan sa loob ng 20 taon.
Sa loob ng 20 taon, ang 100 piso kada buwan mo ay dadami ng higit pa sa 3.4x (triple). Isang napakainam na passive income hindi ba? Kung hindi mo kaya ang 100 piso kada buwan na ipon, bakit may cellphone ka?

Kung malaki-laki ang kaya mong maitago mas malaki at mas mabilis ang pagdami ng pera mo sa planong ito. Narito naman ang 1,000piso plan na kung saan ay mag-iipon ka ng 1,000 piso kada buwan.
Ang pera mo ay dadami ng mahigit pa sa 1 Milyong Piso sa 2030. Ang daming Filipino lalo na ang mga OFW ang kayang-kaya na mag-ipon ng P1,000 kada buwan. Simple lang hindi ba?
Palala lamang na ang 15% na interest sa Mutual fund ay hindi fix kada taon. Ito ay base lamang sa pinaka-average na performance ng mga mutual fund sa Pilipinas. Maaring higit pa sa 15% ang interest sa isang taon at minsan ay may taon naman na negative ang interest at kapag ganito ay pabayaan mo lang ang pera mo sa Mutual Fund at wag galawin.  Sa pangmatagalan (long term), ang pera mo ay kikita rin at maaaring higit pa sa 15%.


Ang excel file na ginawa ko para sa nasabing plano ay maari nyong idownload sa ibaba:
http://www.fileserve.com/file/WAF7fTy

Sa mga may katanungan o nagnanais na humingi ng payo tungkol sa financial plan, maari po kayong magsulat sa comment sa ibaba. Hindi po ako naniningil dahil ito ay serbisyo-publiko at libangan ko lamang.

10 comments:

  1. sir maraming salamat po sa blog na to, naenganyo po ako, may katanungan lang po ako may P5,000 na po ako, sasabihin ko lang po ba sa metrobank na ihuhulog ko po ito sa mutual fund ng First Metro Asset Management Inc. ng Metrobank group katulad po ng sinasabi nyo. maraming salamat. Godbless you more.

    ReplyDelete
  2. sir magandang araw po, gsto ko pong mg ipon isa po akong student ang baon ko po araw araw ay 150 pesos, paano po ba ako mkakaipon sa isang buwan o dalawangg buwan para ma avail ko po ang 4thousand??thank you godbless :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow ang laki ng baon mo.. Ako nga college student 80.00 lang baon ko... 75% ng baon ko ay iniipon ko...60.00 / day plus kng binibigyan pa ako ng kuya ko ng pera pinapakain ko kaagad yng piggy bank ko ahahaha.... Ang yaman mo siguro ...

      Delete
  3. Sobrang na eenganyo ako sa Mutual Fund mula nung napanood ko ito sa isang TV show (local) kaso hindi lang masyadong tinalakay pero nabangit din. Im 24 yrs old fresh grad currently working as an employee. Nag sasave ako ng around 3k monthly, susubukan kung makapaipon pa ng konti at mag negosyo. Kapag ramdam kung stable na ang lahat papasukin ko ang mutual fund. Maraming salamat sa paliwanag nyo about sa mutual fund at possible earnings dito. God Bless

    ReplyDelete
  4. good blog! teaching filipinos to save is the best way to educate and train them, not a lot of them know about investments, mutual funds or the stock exchange, the dialect in filipino is also good mass communication, more power to your blog, albert gavino of pisoinvestment.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. ang galing!. hihi. i came across this article too http://www.pisoandbeyond.com/2014/03/is-your-tax-bigger-than-your-savings.html i think it makes sense to save before you spend nga. keep inspiring!

    ReplyDelete
  6. Wow s metrobnk po b e2 punta na agad ako. .

    ReplyDelete
  7. Isa po akong ofw d2 sa singapore.
    Pwede po ba ako mag avail ng mutual fund kahit and2 po ako?
    Papano po?

    ReplyDelete
  8. Isa po akong ofw d2 sa singapore.
    Pwede po ba ako mag avail ng mutual fund kahit and2 po ako?
    Papano po?

    ReplyDelete
  9. Paano po ako makakapag umpisa ? Sa paunang halaga po na 500

    ReplyDelete