Thursday, April 14, 2011

Chapter 7: uTANG MO, Bayaran Mo!



Ang taong hindi nagbayad ng utang ay magnanakaw kahit gaano pa kaliit ito. Sapagkat ang perang inutang mo ay pag-aari ng ibang tao.  Nakakalungkot man isipin, marami sa atin ang baon sa utang at wala namang plano kung paano makabayad. Ang mga taong ito ay hindi kailanman magiging mayaman.

Narito ang 2 hindi kanais-nais na epekto ng maraming utang at hindi pagbabayad o delayed na pagbabayad ng utang:














1. Kaiinisan  ka ng mga taong pinagkakautangan mo at pagkasira ng iyong reputasyon.
Dahil dito ay maari kang mawalan ng kaibigan at wala ng magtitiwala sa iyo. Dahil sira na ang reputasyon ay hindi ka na makakautang ulit sa panahong ikaw ay magipit. May mga kaso rin ng taong pinatay dahil hindi makabayad ng utang (hindi kita tinatakot....ito ay base sa mga tunay na pangyayari).

2. Habang tumatagal ang utang, lalong lumalaki ang gastos mo sa interest.
Isang halimbawa nito ay ang Credit Card. Ang monthly interest rate ng utang sa credit card kapag hindi nabayaran ay 3.5%. Ibig sabihin kung may utang ka na PhP1,000 ito ay magiging PhP1, 420 o 42% increase sa loob ng isang taon. Kaya naman ang dami kong kakilala na baon sa utang dahil hindi makabayad sa credit card. Ang iba pa sa kanila ay umabot na sa mahigit 1 milyong piso ang utang sa credit card mataps lumaki ito ng husto dahil sa interest rate.

Hindi naman masama ang mangutang basta't ito ay gagamitin sa pangangailangan lamang at importante na makontrol ang pangungutang at bayaran ito sa lalong madaling panahon. Subalit marami sa atin ang nangungutang para lamang masunod ang luho kaya naman bihira akong magpautang.

Kung ikaw ay may utang at gusto mong makaipon, maaring mong pagsabayin ang pagbabayad at pag-iipon. Ito ang mga dapat mong gawin:

1. Unahing bayaran mga utang na may malalaking interest.
Ang mga ito ay ang credit card bills, car loan, housing loan  at iba pang utang na may interest rate na mahigit pa sa maaring kitain mo kung mag-iinvest ka. Halimbawa, tulad ng nabanggit ko, ang credit card na hindi nabayaran ay may monthly interest rate na 3.5% samantalang ang karaniwang investment ay kikita lamang ng 0.05-2.5% bawat buwan. So mas malaking kabawasan sa gastos mo kung unahing bayaran ang utang bago ang mag-invest.

2. Bayaran ng installment ang mga utang na may mababang interest.
Ang mga utang mo sa kakilala, kooperatiba o kumpanya (company loan) ay mas mainam na bayaran ng installment. Karaniwan sa mga utang na ito ay wala o may maliit na interest kaysa sa kikitain mo sa investment. Sa ganitong paraan ay maaari mong pagsabayin ang pag-iinvest at ang pagbabayad ng utang. Mahalaga na kausapin mo ang taong pinagkakautangan tungkol sa plano mo at ng mapagkasunduan ang terms ng pagbabayad (halimbawa ay maari mo syang bayaran sa mapagkasunduang halaga kada buwan).

Mas magiging maginhawa ang buhay mo kahit na may utang ka kung susundin mo ang mga nabanggit sa halip na magtago ka sa mga taong pinagkakautangan mo. Sa ganitong paraaan ay hindi ka lamang magiging mayaman sa pera, magiging mayaman ka pa sa paningin ng mga taong nagtitiwala sa iyo. At kapag muli kang mangailangan (na kung minsan ay hindi maiwasan) o kung may oportunidad ka na makita (halimbawa nito ay business opportunity), ikaw ay madali ulit makakahiram ng pera dahil alam nila na marunong kang magbayad.

Alam ba ninyo na ang utang ay isa sa mahalagang instrumento ng pagpapayaman? Sa ibang post ay ipapaliwanag ko kung paano gamitin ang utang para sa pagpapalago ng investments.

4 comments:

  1. napadaal lang sa blog mo...

    http://mgakwentongliyad.blogspot.com/2011/06/utang.html

    ReplyDelete
  2. Boss nakakabitin naman. Hehe...

    ReplyDelete
  3. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  4. Hello!

    My name is Andrea, an affiliate program manager for InstaForex Group.
    We would like to offer you the affiliate program cooperation that allows you getting $15-53 from every standard market lot of your customer. If you are interested, please contact me and I will provide the details.

    InstaForex provides all the partners with the following opportunities:

    SUB-IB Program - attract the partners and get the commissions from attracted by them clients;
    the widest range of promotional materials;
    free content for your web-site;
    advanced referral link statistics in your Partner Cabinet;
    free ready-made website for your convenience;
    coupon bonuses to encourage traders;
    the campaign - "$500 Affiliate Reward!";
    the gifts to partners: raffle of the mobile gadgets (iPad, iPhone, Blackberry, or Samsung Galaxy Tab);
    wide choice of payment systems for account replenishment and funds withdrawal;
    the support and the individual approach to every partner.


    Become an affiliate right now and get the informational materials for your web-site with the integrated affiliate link!

    Looking forward to hear you soon. Please reach me through skype id andrea.partners.ifx or email partners@mail4.instaforex.com. We will be glad to establish mutually advantageous cooperation with you.Thank you.



    Sincerely yours,
    Andrea

    Partner Relations Department
    InstaForex Group
    Skype ID : andrea.partners.ifx
    https://www.instaforex.com
    InstaForex Partners Facebook Page
    InstaForex Partners Twitter
    InstaForex Partners Google+

    ReplyDelete