Saturday, December 25, 2010

Chapter 4: Ang Aritmetik ng Pera

Bago kayo nerbiyosin, hindi po ako magle-lecture ng Algebra o Trigonometry na kung saan ay dinugo kayo habang inaaral nyo noong highschool kayo. Simple lang ang aritmetik ng paglago ng pera at hindi kailangang maging genius kayo para matutunan ito. Kung alam nyo na ito ay basahin nyo pa rin bilang review at baka kinakalawang na kayo.

1. Addition,  subtraction, multiplication at division
Siguro naman sa loob ng 6 na taon sa elementarya at 4 na taon (o higit pa) sa highschool ay natutunan nyo itong gawin. Kung hindi pa,  puwes aralin mo ito dahil maari mong ikamatay kapag hindi mo ito natutunan. Sa makabagong panahon, may madaling paraaan para gawin ito sa pamamagitan ng Calculator. Kung high tech ka, maari mo rin itong gawin gamit ang spreadsheet tulad ng MS Excel, Open Office Calc o Google Docs Spreadsheet.

2.  Percentage
P = B x R
P - ay  porsyento o bahagi(fraction) ng isang bilang o halaga.
B - ang base o ang halaga
R - rate ng porsyento, karaniwan ay nasa % na format, decimal o fraction.

Halimbawa, magkano ang 25% ng 1000?
P = ang nawawala
B= 1000
R=25% or 0.25 (dapat alam mo rin kung paano i-convert sa decimal ang percentage). 

P = 0.25 x 1000 = 250

3. Compound Interest
Ang Interest formula ay kapatid ng Percentage formula. Kaibahan nito ay kasama ang oras o time.
M = P( 1 + i )t
M = pera mo pagkalipas ng "t" years o buwan.
P = puhunan or principal
i  = interes rate
t = time o oras, karaniwan ay buwan o taon.

Halimbawa, magkano ang kikitain ng 5000 pesos mo kung iiinvest sya sa Mutual fund na may interest na 12% per annum sa loob ng 3 taon.
P = 5000x(1.12) 3 = 7024.64 
7024.64-5000 = 2024.64 ang maaring kitain ng pera mo pagkalipas ng 3 taon (sa totoo lang, maaring higit pa dito ang kikitain mo sa investment sa Mutual fund o stocks...tatalakayin ko ito sa ibang chapter). 

Ang 3 basic math na ito ang kailangan mo lamang para umasenso. Hindi kailangang maging kumplikado ang pagma-manage ng pera(ginagawa lang kumplikado ng iba para malito ka). Ang importante ay sapat na kaalaman, determinasyon, matinding DISIPLINA at mahabang PASENSYA. 


1 comment:

  1. Dinugo agad utak ko.... ko ma gets. Hirap kasi ako sa multiplication at division pati na subtraction... hay...

    ReplyDelete