Tuesday, December 21, 2010

Chapter 1: Ang makabagong Asiong Aksaya at Annie Batungbakal

Asiong Aksaya « KOMIKLOPEDIA

Naaalala nyo pa ba si Asiong Aksaya? Eh si Annie Batungbakal ?

Si Asiong Aksaya ay isa sa karakter sa Komiks na nilikha ni Larry Alcala noong 1976-1984. Sa komiks ay inilahad ni Larry and kwento ng isang tao na walang pakundangan sa pagwaldas ng kanyang yaman sa pamamagitan ng pag-aaksaya sa tubig, kuryente, pagkain at iba pa.  Si Annie Batungbakal naman ay isang awitin na pinasikat ng grupong Hotdog noong 1979. Ito ay tungkol sa kwento ng isang dalaga na ang hilig ay magdisco at gumimick kaya palaging ubos ang sweldo hanggang dumating ang isang araw ay natanggal sya sa trabaho at hindi na nakapag-disco ulit.



Sa kasalukuyan ay marami sa ating mga Filipino ang maihahalintulad sa dalawang karakter na ito. Sila ang makabagong Asiong Aksaya at Annie Batungbakal na walang habas kung gumastos at sobrang maluho. Narito ang mga ilan sa ugali nila:



1. Walang natitira sa sweldo at halos hindi nababayaran  ang credit card at iba pang utang.
2. Mahilig bumili ng bago, imported, mamahalin at ”branded” na damit, sapatos at iba pang gamit para lang masabing “sosyal”.
3. Dalawa o tatlo ang cellphone at mas madalas pa mag-send ng text kaysa magsalita.
4. Madalas magpalit ng cellphone.
5. Mahilig sa inuman, party at gimmick na halos 2 o higit pa sa isang linggo kahit na nagigipit sa pang-araw-araw na gastos.
6. Mahilig mag-istambay at uminom sa Starbucks at iba pang sosyal na kape kahit na mainit ang araw at kahit pa ang presyo nito ay mahigit sa 10% ng kanilang arawang sweldo. (ang presyo ng kape sa Starbucks ay nasa Php50-120).
7. Bago ang kotse pero utang naman at halos kainin ang buong sweldo ng ”car loan”.
8. Kumpleto sa mga gadget at mahilig magkolekta ng mga walang ka-kwenta-kwentang bagay tulad ng laruan, komiks at iba pa.
9. Mas madalas pa sa Mall kaysa sa bahay nila.
10. Gusto palaging sa labas (dine-out) kumakain at sa mga mahal na fast food at restaurant.
...ang mga nabanggit ay ilan lamang sa ugali ng mga Filipino na nagpapatunay ng pagiging maaksaya at maluho.

Bakit nga ba naging magastos ang mga Filipino sa ngayon ? Ito ay dahil sa mga maling kultura natin tungkol sa tamang paghawak ng pera. Ang media ang isa sa pangunahing may kasalanan sa pagpapalago ng maling kultura na ito. Sa mga commercial, pelikula at palabas sa tv ay ipinapakita na ang labis na paggastos ay isang simbolo ng pagiging mayaman. Ang mga ito ay paulit-ulit na nagbrain-wash sa atin na kailangan nating bumili kahit na karamihan sa mga ito ay luho lamang. Dahil dito ang pera ng karaniwang tao ay napupunta ayon sa priority ng pagkasunud-sunod:


1. Luho – tulad ng load sa cellphone, latest na damit.
2. Need – pero kung minsan ay halos hindi pa matugon dahil naubos na sa luho.
3. Investment o asset – halos bokya o zero dahil naubos na sa luho at baon na sa utang.



Sa librong ”The Millionaire Next Door”, ipinakita rito na ang mga tunay na mayayaman ay matipid. Ang mga mayayaman ay gumagastos ayon sa priority ng pagkakasunud-sunod.
1. Need or mga kailangang bagay  tulad ng pagkain, damit (hindi mamahalin), and etc. 
2. Investment o asset na kumikita tulad ng negosyo, stocks, bonds at iba pa.
3. Luho o mga bagay na hindi kailangan ngunit nagbibigay kasiyahan.


Upang umasenso, importante na mabago natin ang ating pag-iisip at gawain at gayahin ang mga tunay na mayamang tao.

No comments:

Post a Comment