Para malaman mo kung magkano ang yaman mo, magagawa mo ito kung iko-compute mo ang iyong “Net Worth”. Ang “Net Worth” ay ang sagot sa tanong na “Magkano Ka?”...Tama, kung ipagbibili mo ang sarili mo ito ay ang iyong presyo base sa dami ng pera at yaman mo. Hindi kasama rito ang mga intangible asset mo tulad ng talento sa pagkanta, dangal and etc.....ito ay yung mga bagay na pwede mo i-convert sa pera (although pwede ring pagkakitaan ang mga nabanggit).
Para magawa mo ang plano para yumaman, importante na alam mo muna kung magkano ang Net Worth mo ng sa gayon ay magawa ang mga susunod na hakbang for investing. Malay mo baka mayaman ka na pala pero di mo lang alam....or baka naman lubog ka na sa utang pero panay pa rin ang shopping mo sa mall. Ang pagko-compute nito ay gagawin mo sa umpisa bilang panimula o “prerequisite” sa paggawa ng iyong planong pampinansyal (financial plan) at patuloy mo itong gagawin bilang pababantay o “monitoring” ng progreso ng iyong pag-unlad.

Simple lang naman gawin ang Net Worth.
1. Ilista lahat ng Asset o Yaman mula sa pinaka-liquid hanggang so most illiquid.
Ang liquidity ng asset ay base sa kung gaano mo kabilis ma-convert sa cash ito. Halimbawa, and “cash on hand” o pera mo sa wallet/bulsa ang pinaka-liquid samantalang ang “bahay at lupa” ang pinaka-illiquid asset dahil hindi naman madaling i-convert ito sa pera.
2. Ilista ang lahat ng Utang mula sa pinakamataas ang interest pababa. Maari ring ihiwalay ang short sa long term debt.
Ang short term debt ay ang mga utang na kailangang mabayaran ng madalian tulad ng bill sa kuryente, credit card, etc. Ang long term debt naman ay ang mga utang na kalimitang hinuhulugan sa loob ng mahabang panahon tulad ng housing loan, car loan and etc.
3. Isuma tutal ang lahat ng Yaman.
4. Isuma tutal ang lahat ng Utang.
5. Yaman minus Utang = NET WORTH ….yan ang yong halaga.

Net Worth Calculator | ||
I. YAMAN | ||
Total Cash | ||
Perang Hawak | 1500 | |
BPI | 5000 | |
Stocks | ||
FPH | 12000 | |
MPI | 9000 | |
Mutual Fund | ||
FAMI-SALEF | 6000 | |
Total Asset o Yaman | 33500 | |
II. UTANG | ||
Short Term | ||
Credit Card | 12000 | |
Utang sa Bumbay | 6000 | |
Long Term | ||
PAG-IBIG | 50000 | |
Total na Utang | 68000 | |
NET WORTH | -34500 |
Kung may computer ka, mas maganda kung gumamit ka ng spreadsheet tulad ng MS Excel or OpenOffice.org Calc. Kung wala naman kahit simpleng notebook, papel or kalendaryo pwede na yan basta wag mo lang iwala. Sa mga techie at “always on-the-go” na tulad ko, mainam gamitin ang Google Docs...kasi napakadaling i-update anytime, anywhere basta't may internet connection.
No comments:
Post a Comment