Naaalala nyo pa ba si Asiong Aksaya? Eh si Annie Batungbakal ?
Si Asiong Aksaya ay isa sa karakter sa Komiks na nilikha ni Larry Alcala noong 1976-1984. Sa komiks ay inilahad ni Larry and kwento ng isang tao na walang pakundangan sa pagwaldas ng kanyang yaman sa pamamagitan ng pag-aaksaya sa tubig, kuryente, pagkain at iba pa. Si Annie Batungbakal naman ay isang awitin na pinasikat ng grupong Hotdog noong 1979. Ito ay tungkol sa kwento ng isang dalaga na ang hilig ay magdisco at gumimick kaya palaging ubos ang sweldo hanggang dumating ang isang araw ay natanggal sya sa trabaho at hindi na nakapag-disco ulit.