Thursday, March 24, 2011

Chapter 6: Mag-impok sa Bangko

Noong bata pa ako ay tinuruan ako ng lola ko na mag-ipon sa pamamagitan ng alkansyang gawa sa bote ng Green Cross rubbing alcohol. Bagama't epektibong paraan na ito sa pag-iipon sa umpisa bilang training, mas ligtas at mabuting paraan pa rin na mag-impok sa bangko....narito ang mga bagay na dapat mong malaman sa pag-iimpok sa bangko:
Tipid Tip: Sa halip na bumili ng alkansya ay maaring gamitin ang mga basyong plastic container bilang alkansya. Gamit ang kutsilyo, hiwain ang bote ng pahaba para ito ang pagsusuksukan ng barya.



Mag-impok sa Bangko - Bangko Sentral ng Pilipinas Jingle
(press ang player sa itaas at sabayan ang kanta)

Unti-unti, utay-utay
Tiyaga't tipid ipagsabay
Sa magandang kinabukasan mo
Ang malaki nagmumula
Sa maliliit na bagay
Mag-impok sa bangko
(Voice over)
Gayahin mo ang mga langgam, marunong silang mag-ipon kaya kahit maliit, di nagigipit.
Ugaliing mag-impok
Dito ka sigurado
Mag-impok sa bangko
(Voice over)
Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas


1. Piliin lamang ang malalaking bangko na pag-aari ng mga malalaking kumpanya.
Ang mga malalaking bangko ay mas ligtas at may magandang sistema ng management ng pera.  Sa ganitong paraan, mas maliit ang pagkakataon na malugi at magsara ang bangko. Kamakailan lamang ay nabalitaan na natin ang nangyari sa Banco Filipino at Legacy Banks kaya hangga't maari ay umiwas sa mga bangkong nagbibigay ng masyadong malaking interest na hindi kapani-paniwala. Sa kasalukuyan, ang 3 pinakamalaking bangko ay Metrobank, Bank of the Philippine Islands (BPI) at Banco De Oro.

2. Alamin at ihanda ang mga kailangan sa pag-open ng savings account.
Maaring i-check ang mga requirement na kailangan sa bangko sa kanilang mga website (hanapin mo lang ang website nila gamit ang google). Narito rin ang isang blog na nagbibigay ng mga tips kung paano magbukas ng savings account sa mga bangko sa Pilipinas:
http://learnfinancialeducation.com/category/banking/

3. Alamin kung magkano ang perang kailangan para makapagbukas ng savings account o initial deposit.
Depende sa bangko, ang karaniwang pera na kailangan para sa pagbubukas ng savings account ay nasa PhP 500 - PhP 10,000.  Note na ang BPI-Family Bank at BPI Direct Savings  lamang ang alam kong may pinakamababang required na initial deposit sa halagang PhP 500 lamang. Ang suggestion ko ay piliin ang BPI Direct Express Teller lalo na kung ikaw ay nasa ibang bansa dahil ang pag-oopen ng account dito ay online lamang. Ang website ng BPI Direct ay nasa ibaba:
http://www.bpidirect.com/

4. Alamin ang maintaining balance ng iyong bangko.
Ito ang kalimitang problema ng mga Pinoy. Hindi nila alam na may kailangang maintaining balance o pinakamababang halaga na dapat manatili sa iyong account. Kapag ang halaga ng pera na naiwan sa iyong savings account ay bumaba pa sa iyong maintaining balance, ikaw ay automatikong kakaltasan bilang penalty ng bangko na nagkakahalaga ng PhP 200-500 depende sa bangko! At kapag matagal na hindi na-maintain ang balance at naubos ang laman nito, magko-close ang account mo. Nakakapanghinayang ang pera at panahon at pagod mo sa pagbubukas ng savings account. Ang maintaining balance ay maaring PhP 500-20,000 depende sa bangko. Ang alam kong may pinakamababang maintaining balance ay BPI Family Bank at BPI Direct Savings Account sa halagang PhP500 lamang kaya ito ang tinatangkilik kong bangko. (Note, hindi po ako nagtatrabaho sa BPI....ang sa aking ay suggestion lamang base sa aking experience.)

5. Kikita ang pera mo sa bangko. 
Ang pera mo sa savings account at maaaring kumita ng 0.5-1.%++ kada taon. Hangga't maari iwasan ang bangko na nagbibigay ng labis na interest dahil maaring ito ay isang scam. Kalimitan rin ang mga rural bank na nagbibigay ng malaking interest ang syang mga naba-bankrupt.

Sa kabilang banda, dahil sa inflation rate,  na kalimitang nasa 3-6%,hindi tama na ang lahat ng pera mo ay patulugin lamang sa savings account. Dapat ay mag-invest ka tulad ng nabanggit ko sa Chapter 5 at sa mga tatalakayin ko pa sa future chapter.

6. May insurance ang pera mo sa bangko hanggang PhP 500,000. 
Ibig sabihin, mababawi mo ang pera mo sa PDIC ng hindi lalagpas sa PhP 500,000 kung sakaling magsara or ma-bankrupt ang bangko mo. Pero kung sobrang yaman ka at higit pa sa PhP500,000 ang pera mo, ang suggetion ko ay hatiin mo sa ibang bangko or mas makabubuti kung iinvest mo sa ibang instrument kagaya ng mutual fund, UITF, stocks atbp. Ang PDIC or Philippine Deposit Insurance Corporation ay sangay ng gobyerno na may responsibilidad sa insurance na ito. Ang kanilang website ay:
http://www.pdic.gov.ph/

7. Pag-aralan ang paggamit ng internet banking.
Sa modernong panahon, ay dapat lang na marunong ka gumamit ng internet banking. Malaki ang matitipid mo sa oras at magiging mas madali ang mga transaction kung meron kang internet banking dahil pwede mong gawin ang mga sumusunod online:
  * funds transfer
  * pagbabayad ng mga bills tulad ng kuryente, tubig, credit card at iba pa
  * para sa pag-iinvest sa stocks, mutual funds, UITF at iba pa.
  * at marami pang iba depende sa bangko.

8. Hangga't maari ay gamitin lamang ang atm ng bangko mo at limitahin lamang ang beses ng pagwithdraw. 
May bayad ang paggamit ng atm ng ibang bangko.
  * PhP 1.50 - balance inquiry o kung gusto mo makita ang laman ng account mo.
  * PhP 10 - kada withdraw ng pera mo. Kalimitan pa ay nakalimit sa hindi hihigit sa PhP5,000 ang bawat withdrawal.

Dati ay hindi ko ito pinapansin at nagwiwithdraw ako palagi sa atm ng hindi ko bangko dahil ito ang pinakamalapit sa tirahan ko. Sa isang buwan ay 4-6 na beses akong nagwiwithdraw. Ibig sabihin ay gumagastos ako ng PhP480-720 bawat taon na maaari ko na sanang ipangbili ko ng ibang pangangailangan ko.  Meron akong kakilala na nagwiwithdraw ng halagang PhP 200 lamang sa atm ng hindi nya bangko. Alam kaya nya na 5% na kagad  ng perang na-withdraw nya ang nawala sa kanya?

Sa ngayon ay ito ang mga importanteng bagay na dapat mong malaman para maging mas kapaki-pakinabang ang pag-iimpok mo sa bangko.









No comments:

Post a Comment