Friday, May 20, 2011

Ano ang Mutual Fund?

Ang Mutual Fund ay koleksyon ng pera ng mga tao(investor) na iniinvest ng fund manager sa iba't-ibang klase ng securities para lumago. Depende sa klase ng mutual fund, ito ay kalimitang iniinvest sa stocks, bonds, money market at iba pang klase ng securities(invesment instruments).

Ang kabuuang fund ay hinati sa maliliit na bahagi na tinatawag na "share". Bawa't isang share ay may katumbas na halaga ayun na rin sa pagkakahati. Ito ay ang Net Asset Per Share o NAVPS. Halimbawa, may isang fund na may kabuuang halaga ng asset na P100,000 at hinati sa 10,000 share. Bawat isang share ay may NAVPS na:
     P100,000/10,000 shares = P10 per share o P10 kada share.


Thursday, April 14, 2011

Chapter 7: uTANG MO, Bayaran Mo!



Ang taong hindi nagbayad ng utang ay magnanakaw kahit gaano pa kaliit ito. Sapagkat ang perang inutang mo ay pag-aari ng ibang tao.  Nakakalungkot man isipin, marami sa atin ang baon sa utang at wala namang plano kung paano makabayad. Ang mga taong ito ay hindi kailanman magiging mayaman.

Thursday, March 24, 2011

Chapter 6: Mag-impok sa Bangko

Noong bata pa ako ay tinuruan ako ng lola ko na mag-ipon sa pamamagitan ng alkansyang gawa sa bote ng Green Cross rubbing alcohol. Bagama't epektibong paraan na ito sa pag-iipon sa umpisa bilang training, mas ligtas at mabuting paraan pa rin na mag-impok sa bangko....narito ang mga bagay na dapat mong malaman sa pag-iimpok sa bangko:
Tipid Tip: Sa halip na bumili ng alkansya ay maaring gamitin ang mga basyong plastic container bilang alkansya. Gamit ang kutsilyo, hiwain ang bote ng pahaba para ito ang pagsusuksukan ng barya.